Higit P1 milyong kush galing US nasabat

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 712 gramo ng hinihinalang kush na isang high-grade na uri ng cannabis at nagkakahalaga ng P1,068,000 ang nasamsam ng mga Otoridad sa Port of Clark sa Pampanga nitong Martes ng umaga.
Nabatid na isinagawa ang interdiction operation ng Clark International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Ageny (PDEA) Clark Airport Interdiction Unit, kasama ang PDEA Pampanga Provincial Office, Bureau of Customs (BOC), Port of Clark, NBI Pampanga District Office, PNP Aviation Security Unit 3, at PNP PDEG SOU3.
Ayon sa team leader ng PDEA Clark, alas-11:31 ng umaga nang Masabat ang parcel na naglalaman ng mga ipinagbabawal na sangkap na dineklara bilang “Cruxdenim Reinforced Seat Trail Jeans,” na nagmula sa Los Angeles, California, USA.
Nadiskubre ang mga iligal na droga sa Port of Clark sa isinagawang routine parcel profiling ng Bureau of Customs (BOC).
- Latest

















