^

Probinsiya

3 dayo tiklo sa shabu sa piyesta

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Tatlo umanong dayong lalaki ang naaresto ng pulisya sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Bayanihan, dito sa lungsod noong Martes ng gabi.

Ayon kay P/Col. Heryl “Daguit” Bruno, provincial director, ng Nueva Ecija Police, aabot umano sa 2.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P17,000, at ang ginamit na marked money ang na­rekober sa tatlong hindi pinangalanang suspek.

Hinala ng pulisya, nakisabay ang tatlong nadakip na suspek sa dagsa ng taong nakikipiyesta sa kabayanan ng Gapan sa selebrasyon ng kapistahan ng Tatlong Hari, na hudyat ng pagtatapos ng kapaskuhan ng mga Katoliko.

Samantala, isang 30-anyos na construction worker ang nasakote ng Bongabon Police sa isinasagawang drug buy-bust operation dakong alas-3 ng madaling araw sa Barangay Tulay na Bato sa Bongabon, Nueva Ecija, madaling-araw ng Miyerkules. Nasamsam dito ang 14 na plastic sachet ng umano’y shabu, na may timbang na 1.09 gramo at nagkakahalaga umano ng P7,412.

Nahaharap ang apat na naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o the Comprehensive Dangreous Drugs Act of 2002.

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with