^

Probinsiya

Mister todas sa suntok ng kapitbahay!

Pilipino Star Ngayon
Mister todas sa suntok ng kapitbahay!
Sa ulat ni P/Captain Randy Damo, hepe ng Solsona Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktima sa pangalan lamang nitong Ben.
STAR/ File

Dahil sa maingay na busina..

MANILA, Philippines — Dalawang malakas na suntok ng kamao ng kapitbahay ang pumatay sa isang magsasaka sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo sa ingay ng busina ng motorsiklo nitong pagsalubong sa Bagong Taon sa Brgy. Maananteng, Solsona, Ilocos Norte, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ni P/Captain Randy Damo, hepe ng Solsona Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktima sa pangalan lamang nitong Ben.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima at kaibigan nito na lulan ng motorsiklo ay pansamantalang huminto sa waiting shed sa tapat ng tahanan ng kanilang kapitbahay.

Dahil sa unang araw ng taon, pinabusina nila ang kanilang motorsiklo ng sunud-sunod bunsod upang mairita ang kanilang kapitbahay na si Nardo, 55-anyos na napilitang lumabas ng kanilang tahanan upang sawayin ang dalawa.

Pinaalis na umano ni Nardo sa tapat ng kanilang tahanan ang dalawa pero pinabusina muli ng biktima ang motorsiklo bunsod upang mauwi ito sa mainitang pagtatalo.

Dahil dito, ­nagpakawala ng suntok ang suspect at dalawa rito ay sumapol sa biktima bunsod upang mawalan ng balanse at bumagsak sa lupa.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero idineklara nang dead-on-arrival matapos tamaan ng suntok sa sensitibong bahagi ng katawan.

RANDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with