^

Probinsiya

2 drug pusher, nalambat sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN LEONARDO, Nueva Ecija, Philippines — Arestado sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya ang isang 48-anyos na lalaki at kasabwat nitong 33-anyos na lalaki makaraang mabilhan ng hinihinalang shabu ng pulis ‘poseur-buyer’ sa Barangay Diversion, noong Huwebes ng tanghali.

Sa ulat ng San Leonardo Police, nakilala ang mga suspek sa alyas na “Puroy”, 48, isang magsasaka at may-asawa ng Brgy. Magpapalayok; at si alyas “Papet”, 33, isang delivery boy at binate ng Purok 5 ng Brgy. San Anton, kapwa ng bayang ito.

Ayon sa ulat, alas-12:20 ng tanghali noong araw ng Pasko nang mabentahan umano ng dalawang suspek ang police agent ng umano’y shabu na tumitimbang ng 0.3 gramo, na nakalagay sa isang plastic sachet.

Bukod sa nabiling droga ay may nakuha pang isang plastic sachet ng umano’y shabu sa suspek na si “Papet” na may timbang na 4.3 gramo.

Kasama rin sa nakuha sa dalawang suspek ang isang caliber .38 revolver na may laman na 3-bala; at isang P500 bill na ginamit na “marked money” sa operasyon.

Sa kabuuan ay aabot sa 4.9 gramo ng sinasabing shabu ang nakuha sa dalawang suspek na nagkakahalaga umano ng P33,320.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with