^

Probinsiya

2 parak inaresto sa loob ng sabungan

Miriam G. Desacada - Pilipino Star Ngayon

TACLOBAN CITY, Philippines —  Dalawang pulis ang inaresto sa loob ng Sulat Cockpit Arena noong mismong araw ng Pasko dahil sa paglabag sa direktiba sa kapulisan mula sa mga sugalan.

Kinilala ni Eastern Samar PNP provincial director Col. Ernesto Macasil ang dalawang pulis na sina  PSsg. Bryan Rey L Orquia, 43; at PCpl Jason P Lobrio, 47, kapwa nakadestino sa Sulat E.Samar Municipal Police Station.

Ang pag-aresto sa dalawang pulis ay naganap, alas-11:40 ng umaga na pinangunahan ni Acting Chief of Police PCPT. Jose Fortunato L. Lumain mula sa utos ni  Provincial Director PCol. Ernesto R Macasill dahil sa mga ulat na laging nakikita ang dalawang pulis sa loob ng  nasabing cock pit arena kahit mayroon nang direktiba na bawal ang mga miyembro ng PNP na bumisita at magsugal sa loob ng sabungan.

Ang dalawang pulis ay dinala na sa  Sulat Municipal Police Station para sa imbestigasyon.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with