Misis inutas sa saksak ni mister

MANILA, Philippines — Patay ang isang misis makaraang saksakin ng sarili nitong mister gamit ang isang mahabang patalim sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo sa may Manila Water Station sa Brgy. Pakil, Laguna kahapon.
Dead-on-the-spot ang biktima na si alyas “Jen”, residente ng Pakil Laguna.
Tumakas naman ang suspek na alyas Toto matapos na mapatay ang kabiyak.
Sa ulat ng Pakil Police, alas-12:50 ng madaling araw nang nakatanggap sila ng tawag mula sa security guard ng Manila Water Station sa nasabing barangay hinggil sa isang malagim sa krimen na nangyari sa kanyang binabantayang lugar nang saksakin ng isang msiter ang kanyang misis.
Nagtalo umano ang mag-asawa na ikinapikon ng mister at gamit ang mahabang patalim ay tinarakan nito ang kanyang asawa na duguang humandusay sa lugar saka mabilis na tumakas.
Kasalukuyan nang tinutugis ng mga pulis ang tumakas na mister.
- Latest





















