San Juanico Bridge, puwede nang daanan

MANILA, Philippines — Maaari na ulit dumaan ang mga trak na may bigat na hanggang 15 tonelada sa San Juanico Bridge sa Taclocan City, Leyte.
Ito ay makaraang buksan muli ng DPWH kamkalawa ang naturang tulay para makadaan muli ang naturang mga trak sa tulay gayundin ang mga passenger bus na magpapadali sa biyahe ng mga kalakal puntang Davao at pasahero papunta sa kalapit lalawigan.
Two-way traffic na din sa tulay pero nasa 30 kilometers per hour lamang ang pinapayagang takbo dito ng mga sasakyan.
Noong buwan ng Mayo ngayong taon ay naisara ang tulay sa mga mabibigat na sasakyan bilang bahagi ng rehablitasyon sa tulay.
Nang maipasara ang tulay sa mabibigat na sasakyan noong Mayo, tatlong beses na pabalik balik ang mga negosyante sa pagdadala ng kanilang mga kalakal sa kalapit lalawigan.
- Latest
























