^

Probinsiya

CPA lawyer ng BIR tinodas ng tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
CPA lawyer ng BIR tinodas ng tandem
Police authorities inspect the area where lawyer Duke Ramil Perral Lincuna was shot and killed while driving his vehicle on Sacris Road, Barangay Bakilid, Mandaue City yesterday morning.
FREEMAN / Decemay Padilla

MANILA, Philippines — Isang certified public accountant (CPA)-lawyer ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nasawi matapos ratratin ang kanyang kotse ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng highway ng Brgy. Bakilid, Mandaue City, Cebu nitong Huwebes ng umaga.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Duke Ramil Perral Lincuna, akti­bong CPA at examiner ng BIR na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report ni P/Lt. Col. Mercy Villaro, Spokesperson ng Mandaue City Police, bandang alas-5:50 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Sacris Road, Purok 8, Brgy. Bakilid ng lungsod na ito.

Ayon sa imbestigasyon ang biktima ay kasalukuyang lulan ng kaniyang behikulo nang sundan ng riding-in-tandem at pagsapit sa lugar ay pinaulanan ito ng bala.

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na mabilis na isinugod sa Mandaue City District Hospital pero idineklara na itong dead- on-arrival.

Nabatid na ang biktima na residente ng Lamac, Consolacion, Cebu ay na­ngangasiwa ng large-scale properties at negosyo habang nagtatrabaho ito sa BIR.

Narekober ng mga pulis ang 11 empty shells ng hindi pa natutukoy na baril sa pinangyarihan ng insidente. Patuloy natinutugis ng pulisya ang mga suspek.

Kinondena naman ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagkasawi ni Lincuna at nakiramay sa kanyang pamilya at mga kasamahan.

BIR

CPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with