^

Probinsiya

Resto nabiktima ng ‘Baklas Roll Up Gang’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natangay ang nasa P300,000 na pera at gadget nang pasukin ng grupo ng Baklas Roll Up Gang ang Max Restaurant sa Molino Boulevard Brgy. Mambog 4, Bacoor City, kamakalawa.

Sa ulat ng pulisya, alas-6:30 ng umaga nang madiskiubre ang pagnanakaw sa nasabing restoran at malaki ang hinala na pamilyar umano sa lugar ang mga suspek hinggil sa dumaan ito sa roll up window sa gilid ng restaurant na malapit sa generator set ng establisimiyento.

Sinira ng suspek ang roll up at itinulak papasok ang glass door upang mai-unlock ito.

Nang makapasok sa loob ay tinangay ng mga ito ang mga laptop, 2 tablets, 2 cellphones at mga cash at maging ang generator set (GenSet) battery.

Isa sa iniimbestigahan ng pulisya ang isang alyas “Adrian” na dating sekyu ng resto na dati nang kinaharap na kaso.

BACOOR CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with