^

Probinsiya

900 katao stranded kay ‘Verbena’ sa Bicol

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Sa kabila ng ipinalabas na land travel advisory ng Office of Civil Defense (OCD)5 at Land Transportation Office (LTO)-5 dahil sa bagyong Verbena ay umabot pa rin sa bilang na mahigit 900 ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa Kabikolan kasama ang isang bangkay na itatawid patu­ngong islang lalawigan ng Masbate kahapon.

Sa datos ng OCD5 ay umabot sa 950 pasahero at 420 rolling cargoes ang stranded sa buong rehiyon kung saan karamihan ay nagmula sa Kamaynilaan na bumiyahe pa rin kahit masungit ang panahon kasama na rito ang isang bangkay at 387 katao at 163 rolling cargoes na nakahimpil sa Pio Duran Port sa Pio Duran, Albay na patawid ng Masbate.

Kahit walang naita­lang stranded sa Matnog Port ay may 402 pa ring pasahero at 136-rolling cargoes sa mga pantalan ng Castilla at Bulan sa Sorsogon. Nasa 161 pasahero rin at 71 rolling cargoes ang dumagsa sa tatlong pantalan sa Masbate.

LTO

OCD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with