Quezon PPO kampeon sa EMPO Challenge
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Minsan pang pinatunayan ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang kahalagahan ng matatag na teamwork sa pagiging Quezon’s finest makaraang ideklara itong kampeon sa 1st PRO4A Enhanced Managing Police Operations (EMPO) Challenge at inungusan ang malalakas na contenders mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, at Rizal.
Ang EMPO Challenge na pinangasiwaan ng Police Regional Office CALABARZON sa ilalim ng liderato ni PBrig. Gen. Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director, ay layon na palakasin ang operational proficiency, decision-making, at koordinasyon ng mga police units sa pagtugon sa real-time incidents. Ito ay hinati sa apat na major components na kinabibilangan ng Call Handling Proficiency and Receiving and Dispatch of 911 Calls; Communication Proficiency, Precise Identification and Coverage of the Target Area with Live Feed Transmission, and Execution of Operational Control and Overall Tactical Management.
Ang mga kalahok na PNP units ay isinailalim sa sabay-sabay na high-pressure police scenarios na idinisenyo para masubukan ang kanilang kahandaan sa koordinasyon at command capability.
Ayon kay QPPO Director PCol. Romulo Albacea, ang pagkakapanalong ito ay produkto ng kasipagan, at dedikasyon sa paghahatid ng serbisyo ng bawat miyembro ng QPPO para sa mga mamamayan ng lalawigan.
- Latest



















