^

Probinsiya

Bulkang Taal nagtala ng mahinang pagsabog

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Taal nagtala ng mahinang pagsabog
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), isang minor phreatomagmatic eruption o pagbuga ng usok at abo ang nadetect sa main crater ng Bulkang Taal kahapon ng alas-6:51 ng miyerkules ng umaga na tumagal ng tatlong minuto.
PHIVOLCS-DOST Facebook page

MANILA, Philippines — Nagtala ng mahinang pagsabog ang Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), isang minor phreatomagmatic eruption o pagbuga ng usok at abo ang nadetect sa main crater ng Bulkang Taal kahapon ng alas-6:51 ng miyerkules ng umaga na tumagal ng tatlong minuto.

Ayon sa Phivolcs, umabot ng 2,800 metro ang taas ng usok mula sa bulkan.

Iniulat ng Phivolcs, na bunsod pa rin ito ng nagpapatuloy na upwelling ng mainit na volcanic gas sa Bulkang Taal.

Nagtala rin ng panandaliang pamamaga ng Taal Volcano Island.

Bunsod nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok sa Taal Volcano Island (TVI) lalo na sa main crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal gayundin ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dulot nang banta ng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas mula sa bulkan.

Nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 status ang Bulkang Taal.

BULKANG TAAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with