^

Probinsiya

2 dating New People Army rebels, sumuko

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang dating rebeldeng New People Army (NPA) kabilang ang isang finance officer na umano ay sangkot sa mga karahasan sa MIMAROPA Region ang isinuko sa mga otoridad ng pulisya sa Gloria at Bulalacao, Oriental Mindoro.

Kinilala ni P/Col. Edison Revita, Oriental Mindoro police director, ang dalawang sumukong rebelde na sina alyas “Ka Abet/Diego”, 68, at alyas “Rocky/Lawin”, 26, finance officer ng natitirang nabuwag na KLG-MAV at SRMA-4D na nag-o-operate sa mga munisipalidad ng Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalaro.

Sinabi ni Revita na bineberipika at sinusuri nila ang background ng dalawang surrenderee na rebelde kabilang ang umano’y partisipasyon nila sa mga karahasan sa Mindoro habang sila ay noong nasa armadong kilusan. 

Ang mga dating rebelde ay nasa kustodiya at pangangasiwa ng mga otoridad ng pulisya-militar para sa tamang dokumentasyon, debriefing at pagproseso bago sila mag-enrol sa mga programa ng reintegrasyon ng gobyerno.

NEW PEOPLE ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with