^

Probinsiya

Grade 1 pupil nalunod sa swimming pool

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Grade1 pupil ang nasawi matapos na malunod sa swimming pool ng isang resort sa Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal nitong Miyerkules.

Kinilala ang nasawing biktima na si alyas “Zian”, 8-anyos, residente ng Brgy. Inarawan ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Antipolo City Police, alas-2:05 ng hapon nang maganap ang insidente sa isang resort sa Barangay San Jose, Antipolo.

Nabatid na sumama ang biktima sa kapwa vendor na si Kim, 22, upang maligo sa naturang resort.

Nagtungo umano sa shower room si Kim dahil giniginaw na at para magbihis habang hindi umano inakala na bumalik pa sa swimming pool ang biktima.

Nakita sa kuha ng CCTV na tumalon ang biktima sa malalim na bahagi ng swimming pool at hindi na lumutang.

LUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with