Kabikolan naka-red alert dahil kay ‘Ramil’

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Muling itinaas ng Office of Civil Defense (OCD) 5 sa pamamagitan ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council sa red alert status ang buong Kabikolan dahil sa paparating na bagyong Ramil.
Ayon kay Gremil Alexis Naz, tagapagsalita ng OCD-5, simula pa nang pananalasa ni Opong ay nakataas ang red alert sa rehiyon dahil sa inaasahang mga paparating na masamang panahon.
Sa ilalim ng red alert status lahat ng personnel at assets ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan ay on-stand by at naka-preposition para sa pagresponde.
Simula alas-2 ng hapon kahapon ay umakyat na sa 618 mga pasahero at 129 rolling cargoes ang stranded sa ilang pantalan sa Bicol makaraang pagbawalan na ng Philippine Coast Guard ang paglalayag ng 9 na barko dahil sa matataas na alon at paglagay sa signal ng ilang lalawigan.
Pinakamaraming stranded sa Tabaco City port na nasa 336 pasahero habang 119 pasahero at 49 rolling cargoes sa Pio Duran, Albay; 160 pasahero at 80 rolling cargoes naman sa Castilla Port, Sorsogon.
- Latest
















