^

Probinsiya

State of calamity idineklara sa Manay, Davao Oriental

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
State of calamity idineklara sa Manay, Davao Oriental
Patients are evacuated from the Davao Oriental Provincial Medical Center after a 7.4 magnitude earthquake struck the region on Oct. 10, 2025.
Philippine Red Cross via Facebook

Kasunod ng 7.4 magnitude lindol

MANILA, Philippines — Idineklara na ang state of calamity sa Manay, Davao Oriental matapos ang dalawang kambal na lindol na tumama sa nasabing bayan noong Biyernes.

Ang unang lindol ay naitala sa 7.4 magnitude dakong alas-9:43 ng ­umaga habang ang ikalawa ay magnitude 6.8 kinagabihan bandang alas-9 ng gabi ng nasabing araw.

Sa pamamagitan ng state of calamity ay magagamit ng pamahalaang lokal ang pondo nito sa pagtugon at rehabilitas­yon sa mga naapektuhan ng lindol.

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region 11, nasa 17 barangay ang naapektuhan ng pagyanig ng lupa sa nasabing bayan na siyang pinakagrabeng tinamaan ng 7.4 magnitude na lindol.

Bunsod ng matinding pinsalang inabot ng kanilang bayan, nananawagan si Manay Mayor Jon Marco Dayanghirang ng tulong sa pamahalaang nasyonal dahil maraming bahay at istraktura tulad ng mga tulay, eskuwelahan at mga pasilidad ng gobyerno ang naapektuhan sa insidente.

Kabilang sa napinsala ay ang Manay District Hospital kung saan napilitan ang pangasiwaan nito na ilabas ang mga pasyente at isang bakanteng lote naman ang pansamantala namang ikinonvert na gamutan sa mga ito para sa kanilang kaligtasan at maging ng mga personnel ng pagamutan.

Nabatid na bumigay ang kisame ng emergency room ng hospital bukod pa sa nagtamo ng mga bitak ang dingding ng hospital maging ang mga sahig habang nabasag din ang mga sala­ming bintana.

STATE OF CALAMITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with