^

Probinsiya

2 todas sa ‘road rage’ sa Cavite!

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
2 todas sa ‘road rage’ sa Cavite!
Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na nagkaroon ng mainitang komprontasyon ang suspek at mga biktima sa gitna ng kalsada ng C.M. Delos Reyes Ave. sa Barangay Javalera, dakong alas-10:20 ng umaga.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Isa na namang away sa kalsada ang naganap dito sa lalawigan na nauwi sa malagim na pagkasawi ng dalawa katao matapos silang pagbabarilin ng nakaalitang lalaki sa kahabaan ng CM delos Reyes Avenue sa Ge­neral Trias City nitong Huwebes.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga nasawi na sina alyas “Eric” at alyas “Edmark”; kapwa helper o pahinante ng tracking business.

Ayon sa ulat ng pulisya na nakatakas ang suspek na nagnga­ngalang “Regienald” bitbit ang dikilalang baril na ginamit sa pamamaril.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na nagkaroon ng mainitang komprontasyon ang suspek at mga biktima sa gitna ng kalsada ng C.M. Delos Reyes Ave. sa Barangay Javalera, dakong alas-10:20 ng umaga.

Sa kasagsagan ng mainitang pagtatalo, bumunot ng baril si Regienald habang itinutok ang kanyang armas sa isa sa mga biktima, pagkatapos, sunud-sunod nagpaputok nang malapitan ang suspek na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang biktima.

Si P/Lt. Col. Bismark Mendoza, hepe ng pulisya ng Gen. Trias, ay tumanggi na magbigay ng anumang karagdagang detalye dahil sa nagpapatuloy na follow-up operation laban sa suspek.

Aniya sa PSN,  hindi pa makumprima ng mga imbestigador kung ang pamamaril ay itinutu­ring na isang road rage incident dahil nanga­ngalap pa sila ng testigo at ka­ragdagang impromasyon.

PSN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with