^

Probinsiya

Rider, angkas lasog sa bus

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Rider, angkas lasog sa bus
Camarines Sur map.
Photo courtesy of Philstar.com / John Unson

PILI, Camarines Sur, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng motorcycle rider at angkas nito matapos na mabangga ng kasalubong na bus sa kahabaan ng diversion road sa Brgy. San Vicente, Pili, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the spot ang angkas na si Gringo, 27-anyos, ng Balete, Aklan habang naisugod pa sa Bicol Medical Center sa Naga City ang duguan at walang malay na rider na si Joel, 26-anyos, residente ng bayan ng Goa pero ideneklarang dead-on-arrival.

Hawak na ng mga pulis at nahaharap sa kaso ang drayber ng nakabanggang Rosing Bus Lines na si Samuel, 61-anyos ng Iriga City.

Sa ulat, alas-3:50 ng hapon ay magkasalubong na binabagtas ng motorsiklo ng mga biktima at bus ang kahabaan ng highway.

Gayunman, pagda­ting sa lugar ay lumiko pakaliwa ang motorsiklo dahilan para mabangga sila nang paparating at rumaragasang bus.

Sa lakas nang pagkakabangga tumilapon sa kalsada si Joel habang pumailalim sa bus ang angkas na si Gringo pati na ang motorsiklo at nakaladkad pa ng ilang metro.

GRINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with