Mag-utol nabagsakan ng backhoe, patay!
MANILA, Philippines — Patay ang magkapatid na lalaki matapos aksidenteng mabagsakan ng bucket ng backhoe sa Banga, Aklan kamakalawa ng hapon.
Idineklarang dead-on-the-spot sina Jonel Tamayo at Jomer
Tamayo, kapwa residente ng Cortes, Balete.
Nangyari ang insidente bandang alas-5 ng hapon sa Brgy. Pagsanghan, Banga.
Lumilitaw na may tinatanggal umano ang mga ito na transmission ng 12-wheeler truck nang biglang sumabog ang hydraulic pump supply dahilan upang hindi makontrol ng operator ng backhoe.
Ayon naman kay PCapt. Dandy Gonzalodo, hepe ng Banga Police Station, posibleng mahaharap sa kaso ang operator ng naturang backhoe.
Patuloy ang imbestigasyon ng Banga Police sa insidente.
- Latest



















