^

Probinsiya

Big-time tulak sa Quezon, nalambat

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMO NAKAR, Lucena City, Philippines — Isang big time tulak na kabilang sa talaan ng mga High Value Individual (HVI) ang naaresto ng mga tauhan ng Mulanay Municipal Police Station sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Brgy. Sto. Niño, Mulanay, Quezon, na nagresulta pagkakakumpiska ng hinihinalang shabu na may halagang P1,126,896.

Ayon kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, naki­lala ang mga suspek na si alyas “Em” at alyas “Bagting”, 42 taong gulang, may asawa, driver, at residente ng Brgy. San Roque, Catanauan, ­Quezon.

Ayon sa ulat, pasado alas-10 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga intel operatives ng Mulanay Molice sa pangunguna ni PMaj. Joseph Ian Java.

Kabilang sa mga nakumpiskang ebidensya ang 14 sachet ng hinihinalang shabu na tumi­timbang ng 165.72 gramo, isang piraso ng P1,000 bill na marked money, at pitong piraso ng P1,000 bill na ­boodle money, timbangan, g­unting, lalagyang plastik, styrofoam, pouch, at isang pulang NMax na motorsiklo.

Ang suspek ay nasa kustodiya ng Mulanay Police at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, 11, at 12, Article II ng RA 9165.

ARRESTED

HIGH VALUE INDIVIDUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with