^

Probinsiya

Mag-inang ‘pusher’ huli sa P2.7 milyong shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang ina at anak nitong lalaki na umano’y mga drug pusher makaraang mahulihan ng mga awtoridad ng P2.7 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Hermosa, Bataan nitong Sabado.

Sa report ni P/Chief Major Winston Norte, hepe ng Hermosa Police, nagsagawa ng anti-drug operation ang kaniyang mga tauhan sa kahabaan ng Roman Superhighway sa Brgy. Cataning ng ba­yang ito ng nasabing araw.

Nalambat sa operasyon ang mag-ina na mga residente ng bayan ng Orani na kanugnog ng Hermosa, matapos silang magbebenta ng illegal na droga sa isang undercover agent.

Narekober sa mga suspect ang isang cal. 38 revolver na may lamang bala, isang maliit na timbangan ng shabu, cellphone, lighter, mahigit isang kilo ng shabu at nabawi rin ang P4,000 marked money na ginamit sa buy-bust operation.

Lumilitaw sa imbestigasyon na ang mag-inang suspect ay sangkot sa pagbebenta ng illegal na droga sa loob ng tatlong taon.

Inihayag na pinaplano nang umuwi ng mag-ina sa Marawi City, Lanao del Sur kapag naubos na umano nilang ibenta ang mahigit isang kilo ng shabu na nakumpiska sa kanila.

Nahaharap ang mga suspect sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms.

BRASO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with