^

Probinsiya

Konduktor gutay sa sagasa ng 2 sasakyan

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nagkagutay-gutay ang katawan ng isang konduktor matapos  masagasaan ng dalawang magkasunod na sasakyan habang tumatawid sa kahabaan ng Arnaldo Highway sa Barangay San Francisco, Gen. Trias City, kamakalawa.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Police Provincial Office director PCol Ariel Red, alas-9:30 ng gabi habang papatawid ang biktima nang bigla siyang salpukin isang kotseng Toyota Vios 1.3 XE CVT Sedan na minamaneho ng driver na si alyas “Gil”, 55, ng Brgy. Anabu 1-A, Imus City, Cavite.

Bunsod into, tumilapon ang biktima na sa kasamaang palad ay muling nasagasaan ng paparating na dump truck na hindi nakuha ang plate number saka siya tinakasan ng driver.

Sa tindi ng pagkakasagasa sa biktima, nagkagutay-gutay ang katawan nito. Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya upang matukoy ang tumakas na nagmamaneho ng dump truck habang sinampahan na ng kaukulang kaso ang driver ng kotse na unang nakasagasa sa nasabing pedestrian.

RED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with