^

Probinsiya

Bangkang tumaob: 23 sakay nailigtas

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Bangkang tumaob: 23 sakay nailigtas
Ayon sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) nakisakay lamang sa bangka na may markang FBCA King na patawid sa Atimonan at Mauban, alas-8:30 ng umaga ang 22 residente ng isla dahil walang biyahe ng bangka noong mga oras na iyon.
Google Maps

MANILA, Philippines — Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga otoridad ay nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang 23 katao na sakay ng isang bangkang de motor na tumaob sa may karagatang malapit sa Balesin Island, Polillo, kamakalawa ng umaga.

Ayon sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) nakisakay lamang sa bangka na may markang FBCA King na patawid sa Atimonan at Mauban, alas-8:30 ng umaga ang 22 residente ng isla dahil walang biyahe ng bangka noong mga oras na iyon.

Hindi umano ba­lanse ang bangka dahil sa nagsamasama sa kanang bahagi ang mga pasahero kaya’t ito ay tumaob.

Habang nakapa­nguyapit sa nakataob na bangka ang mga sakay ay isa sa kanila ang tumawag sa ma­nagement ng Alphaland.

Kasama ang mga bantay dagat ay mabilis na nagsagawa ng rescue operation at nailigtas ang 23 sakay kasama ang kapitan ng bangka at naibalik sa lahat sila sa Balesin island.

Samantala, pinada­lhan ng Enforcement Inspection Apprehension Report ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kapitan ng bangka dahil sa paglalayag nang walang clearance mula sa ahensya at pagsasakay ng mga hindi awto­risadong pasahero.

Inatasan din ito na humarap sa headquarters ng Coast Guard District para magpaliwanag at humarap para sa paglilitis o pagresolba ng kaso ng kanyang naging paglabag.

BANGKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with