^

Probinsiya

Kelot dinukot, sinunog

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natagpuang sunog ang katawan ng isang 41-anyos na lalaki sa isang bakanteng lugar sa Barangay Sulsu­guin, Nagcarlan, Laguna, madaling-araw nitong Biyernes, kasunod ng umano’y pagkakaaresto sa isa sa mga hinihina­lang dumukot sa kanya.

Narekober ang bangkay ng biktima, na hindi muna pinangalanan, dakong ala-1:40 ng mada­ling-araw noong Sabado ng mga operatiba ng Luzon Field Unit ng Phi­lippine National Police Anti-Kidnapping Group (AKG), sa pangunguna ni Lt. Col. Ronald Patricio.

Ayon sa ulat, dinukot ang biktima kasama ang isa nitong kasama ng apat na hindi pa nakikilalang lalaki sa Parañaque City isang araw bago matagpuan ang kanyang bangkay sa Laguna.

Ayon sa pulisya,  isa sa mga suspek ang naaresto sa isinagawang hot pursuit operation at itinuro umano nito sa mga operatiba ang lugar kung saan itinapon ang bangkay ng biktima.

Inaalam ng mga imbestigador ang posibleng motibo sa krimen, kabilang ang personal na alitan, usapin sa droga, at selos, bukod sa anggulong kidnapping-for-ransom.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang iba pang suspek kasunod ng ulat na posibleng may isa pang biktima ng kidnapping na itinapon sa lalawigan ng Quezon. Patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya.

Kasalukuyan ng nakipag-coordinate ang pulisya sa Laguna Provincial Forensic Unit (LPFU) upang ipro­seso ang pinangyarihan ng krimen at matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima, pati na rin ang motibo at mga nasa likod ng insidente.

AKG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with