^

Probinsiya

Rider na nawala, natagpuang patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Rider na nawala, natagpuang patay
Minamasdan ng isang pulis ang bangkay ng isang lalaki matapos ang motor siklong sinasakyan niya na minamaneho ng amang sundalo ay bumangga sa isang itinatayong gusali sa gilid ng highway sa Barangay Noa,Magpet, Cotabato nitong Huwebes.
CTTO

MANILA, Philippines — Dahil sa nakakabit na GPS sa motor ng isang rider ay nadiskubre ang katawan nito sa bakanteng lote sa Brgy. San Gabriel,GMA Cavite, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilala sa alyas na “Jay”, 31, residente ng Naic, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:30 ng hapon nitong Huwebes nang matagpuan sa bakanteng lote ng  Go Compound sa nasabing barangay ang bangkay ng biktima.

Ayon sa pulisya, iniulat sa Naic Police nitong Hulyo 2 ng pamilya ng biktima ang pagkawala nito noong Hunyo 27 taong kasalukuyan.

Dala umano ng biktima ang motor nito at dahil sa GPS na nakakabit dito na-track ang kinaroroonan nito.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow-up ang GMA at Naic police hinggil sa insidente.

GPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with