3 miyembro ng pamilya minasaker sa bahay!

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasawi matapos silang pasukin sa bahay at pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Brgy. Buenavista, Murcia, Negros Occidental kamakalawa.
Kinilala ang mga biktima na ang mag-asawang sina Josefina, 60, at Nelde, 59, at ang kanilang anak na si Juvy, 33-anyos.
Sa report ng Police Regional Office (PRO) 6, bandang alas-6 ng gabi noong Huwebes nang makarinig ng mga putok ng baril ang mga kapitbahay ng mag-anak. Gayunman, nitong Biyernes bago mananghali ay nadiskubre ang bangkay ng tatlo na naliligo sa dugo sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang mga katawan.
Sa pahayag ng mga kapitbahay ng mag-anak, wala silang alam na kaaway para magtanim ng matinding galit at sila ay paslangin.
Agad na rumesponde sa lugar ang mga pulis nang mabatid ang insidente at iprinoseso ang crime scene.
- Latest















