^

Probinsiya

4 nakuryente sa loob ng balon, patay!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
4 nakuryente sa loob ng balon, patay!
Gamit ang kanilang mga rescue equipment, buwis-buhay na bumaba sa balon ang kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang isa-isang makuha at maiahon ang katawan ng apat katao na nakuryente sa loob nito sa Barangay Tiayon, Ipil, Zamboanga Sibugay nitong Biyernes.
Photo credit: Office of Zamboanga Sibugay Provincial Fire Marshall

COTABATO CITY, Philippines — Apat katao ang patay nang aksidenteng makuryente sa loob ng isang balon na kanilang pinagkukunan ng tubig sa Barangay Tiayon sa Ipil, Zamboanga Sibugay nitong Biyernes.

Sa ulat nitong Lunes ng mga local executives at mga provincial officials ng Bureau of Fire Protection sa Zamboanga Sibugay, may kukunin lang sana si Norben Cañete, Sr., na mga tools na naiwan sa loob ng isang balon na kanilang nilinis gamit ang isang submersible water pump nang bigla siyang nakur­yente sanhi ng power surge mula sa naturang bomba na may kawad na mahaba na konektado sa isang convenient outlet sa isang hindi kalayuang bahay.

Agad na nangisay sanhi ng pagkakuryente si Cañete ganun din ang kasamang si Jayson Gandawan na bumaba rin sa balon upang siya ay tulungan sana.

Dalawang iba pa, ang anak ni Cañete na si Norben, Jr. at ang kapitbahay nilang si Renjear Velez na nagtangkang saklolohan ang dalawang biktima sa loob ng balon ang nakuryente rin at nasawi sa insidente.

Nailabas ng mga BFP emergency responders ang apat mula sa balon matapos na mai-off ang electrical connection ng submersible pump at isa-isa silang iniahon gamit ang kanilang mga rescue equipment.

Nangako naman ng ayuda sa pagpapalibing sa apat na nasawi ang local government unit sa bayan ng Ipil, ang kabisera ng Zamboanga Sibugay.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad