Magdyowa sumemplang, huli sa shabu at baril

CAVITE, Philippines — Hinihinalang patungo sana sa pagde-deliver ng mga shabu ang isang magdyowa pero natiklo nang aksidenteng sumemplang habang sakay ng motorsiklo at bumabagtas sa Evangelista Road, Brgy. Sinbanali, Bacoor City, kamakalawa.
Dinala sa pagamutan ang babaeng suspek na si alyas Mary habang hawak na ng pulisya ang kanyang nobyo na driver ng motorsiklo na si alyas Ken; kapwa residente ng Bacoor City
Sa ulat ng pulisya, ala-1:00 ng madaling araw magkaangkas ang mga suspek sa motorsiklo nang aksidente silang sumemplang.
Sa pagresponde ng pulisya, naabutan pa nila ang dalawa sa kalsada at agad itinawag sa ambulansiya upang madala sila sa pagamutan. Gayunman, habang inaantay ang pagdating ng rescue, nakita ng mga pulis ang isang caliber 9mm na baril sa pouch bag ng lalaking suspek na agad kinumpiska at mga nagkalat na plastic sachet sa kalsada mula sa magdyowa.
Narekober sa mga suspek ang isang shoulder bag, pouch bag, weighing scale at 42 plastic sachet ng 2 gramo shabu na aabot sa halagang P13,600.
- Latest