^

Probinsiya

6 huli sa karerahan ng motor sa CLLEX

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines  – Anim na kalalakihan ang hinuli at natiketan, habang hindi bababa sa sampung motorsiklo ang nakumpiska ng mga awtoridad dahil sa ilegal na pagsasagawa ng karera ng motorsiklo sa kahabaan ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) sa Barangay Umangan, sa bayan ng PNP-Highway Patrol Group (HPG), isinagawa ng grupo ang operasyon matapos na bahain sila ng mga reklamo at sumbong sa umano’y ilegal na karera ng mga motorsiklo sa nasabing expressway na ginawang race track.

Kaagad namang rumesponde ang mga operatiba ng kapulisan sa pangunguna ng Regional Highway Patrol Unit (RHPU3) at Provincial Highway Patrol Team (PHPT-Nueva Ecija), sa direktiba ni P/BGen. ­Eleazar P. Matta, director ng HPG.

Sa nasabing operasyon ay anim agad na motorsiklo ang nakumpiska at na-impound sa tanggapan RHPU3, na pawang may mga paglabag tulad ng walang side mirror, walang plaka, walang driver’s license, walang OR/CR, walang mga suot na protective helmet at delinquent registration o expired o paso na ang rehistro.

Hindi muna inilabas ng pulisya ang pangalan ng mga nahuli sa paglabag, habang may nauna nang nakumpiskang mga motorsiklo ng nagdaang mga araw.

Binigyang pagkilala ni PBrig. Gen. Matta ang mga personnel ng RHPU-3 sa kanilang pagiging alerto at pagmomonitor sa nasabing lugar kaya matagumpay ang kanilang operasyon.

CCLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->