CvSU campuses binulabog muli ng ‘planned attack’
CAVITE, Philippines — Mas lalong hinigpitan ang seguridad sa mga campuses ng Cavite State University (CvSU) nang muli na naman silang bulabugin ng mga planong pag-atake nang makatanggap ng mga mensaheng pagbabanta sa pamamagitan ng email, kamakalawa.
Sa ulat ng pulisya, nagtungo sa kanilang himpilan ang mga opisyal ng CvSU main campus sa Indang, Cavite at inireport na bandang alas-7:42 ng gabi nang makatanggap muli sila ng mensahe sa pamamagitan ng official email ng Central Student Government (csg.main@cvsu.edu.ph) kung saan nakasaad rito ang warning letter na “Planned Attack” at target ang CvSU satellite campuses ng main school campus.
Binanggit din dito na dalawang indibiduwal na nakasuot umano ng black caps at corporate attire ang nakapasok sa mga nasabing campus gamit ang CvSU-issued na identification cards (IDs).
Wala namang binanggit sa mensahe mula sa email na anonyyymoussszzz@gmail.com sa eksaktong araw at oras ng sinasabing pag-atake.
- Latest