^

Probinsiya

Traffic, kayang ibsan ng teknolohiya pero mas kailangan ng disiplina - TOL

Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

SAN PABLO CITY, Laguna, Philippines – Malaki ang maitutulong ng teknolohiya, pero disiplina pa rin ang susi para maging maayos ang trapiko sa Pilipinas.

Ito ang binigyang-diin ni reelectionist Senator Francis “TOL” Tolentino sa pagpapasinaya ng makabagong traffic signalization systems sa dalawang lungsod sa Laguna noong Sabado.

Pinangunahan ng senador ang ce­remonial lighting ng makabagong traffic lights sa San Pablo at Calamba, kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at ahensya ng transportasyon.

“Gamit ng traffic light systems na ito ang makabagong teknolohiya. Sa tulong ng camera sensors ay kaya nitong iangkop ang tagal o bilis ng traffic signals ayon sa daloy ng trapiko,” paliwanag ni Tolentino.

Pero nilinaw ng senador na bagama’t malaki ang maitutulong ng teknolohiya para ibsan ang araw-araw na kalbaryo ng mga motorista at pasahero, mas mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng disiplina ng mga Pilipino.

“Dapat umiral ang disiplina sa ­ating mga drayber, rider, at motorista. Kung wala nito, wala ring saysay ang anumang modernong teknolohiya, o kahit gaano pa man kahusay ang traffic management mo,” pagdidiin nya.

Matagal nang adbokasiya ni TOL ang pagsasaayos sa trapiko, kahit noong sya’y nanungkulan pa bilang Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman.

“Malaking tulong ang maayos na pangangasiwa ng trapiko sa ekonomiya at sa kalikasan, dahil nagdudulot ito ng mas kaunting carbon footprints.

Sinisiguro rin nito ang mas mabilis na biyahe para sa mga motorista, at mas ligtas na mga kalsada para sa mga pedestrian, lalong lalo na sa vulnerable sectors gaya ng mga nakatatanda, kababaihan, at mga estudyante,” ipinunto pa ng senador.

Katuwang ang Department of Transportation at Land Transportation Office, layunin ng programa ng senador na magtalaga ng traffic signalization systems sa 15 priority intersections sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

FRANCIS

TOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with