Lalaking may ‘severe autism’ tepok sa sunog

MANILA, Philippines — Isang lalaking may “severe autism” ang patay nang ma-trap sa loob ng kanilang nasusunog na tahanan sa San Mateo, Rizal kamakalawa.
Kinilala lang ang biktima sa alyas “Joey”, residente ng Brgy. Gulod, sa San Mateo.
Sa ulat ng San Mateo Municipal Police, alas-4:30 ng madaling araw nang maganap ang sunog sa tahanan ng biktima.
Sa salaysay ng kaanak ng biktima sa pulisya, mahimbing siyang natutulog nang maalimpungatan dahil sa usok na nagmumula sa silid ni Joey. Tinangka pa umano niyang isalba ang biktima ngunit malaki na ang apoy kaya’t kaagad na siyang humingi ng tulong mula sa San Mateo Fire Department ngunit hindi na rin nailigtas pa ang huli.
Sa pagsisiyasat na dumaranas ng severe autism ang biktima at may tendensiya umanong magsaksak ng kung anu-anong bagay sa kanilang electrical sockets, na maaaring siyang pinagmulan ng apoy.
Dakong alas-5:22 na ng madaling araw nang maideklarang under control ang sunog, bago ito tuluyang naapula.
- Latest