Lady trader nagulungan ng trak sa ulo, patay!
BACACAY, Albay, Philippines — Dead-on-the spot ang isang negosyanteng babaeng rider matapos sumemplang ang minamanehong motorsiklo at nagulungan ng trak sa Purok-5, Brgy.San Pedro, Bacacay, Albay kamakalawa ng umaga.
Sinubukan pang isugod ng mga rescuers sa rural health ng bayan ang duguang biktima na kinilalang si “Jenny”, 26-anyos, residente ng Sitio Balandra ng naturang barangay pero idineklarang patay.
Sa ulat, dakong alas-7:55 ng umaga lulan ng kanyang Yamaha R15 motorsiklo ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng provincial road na patungong Brgy.Cajugutan nang subukan nitong mag-overtake sa sinusundang Isuzu Forward Water Tanker Truck na may plaka CCB-6786 at minamaneho ni Efren Rey Fernandez, 47-anyos, residente ng Purok-3, Brgy.Cajugutan. Gayunman, sumemplang ang motorsiklo nang tumama sa pavement ng kalsada at nagulungan ang ulo ng biktima ng hulihang gulong ng trak.
Mabilis na sinaklolohan ang biktima at isinugod sa pagamutan kung saan ideneklara siyang patay. Sumuko naman ang driver ng nakasagasang trak sa mga pulis.
- Latest