^

Probinsiya

Empleyado ng Kauswagan nagpapasaklolo sa national government

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang mga empleyado ng Kauswagan sa Lanao del Norte sa national government na manghimasok na dahil sa nararanasang kaguluhan kasunod ng pagkasira ng kanilang mga CCTV came­ras at pagputol sa kable ng internet at nagmistula na ring umanong “apartelle” ng ilang armadong sibilyan at pulis ang munisipyo.

Sa liham na ipinadala ni , Admin Officer IV ng Kauswagan local government, kay Civil Service Commission (CSC) Field Office Director II Alona Carumba, hiniling niya ang kagya’t na pagpayag para sa “work-from-home arrangements” ng mga kawani o relokasyon ng operasyon ng mga tanggapan sa mas ligtas na lugar dahil sa kanilang pangamba.

Pangunahing apektado ng pangyayari ang Enhanced Tax Revenue and Collection System (ETRACS), isang web-based system na ginagamit ng mga lokal na pamahalaan upang mangolekta ng buwis gaya ng real property tax, business permits gayundin para sa administration at taxpayer registration.

Ang kahilingan ni Tomo kay Carumba ay bunsod ng pinakahuling insidenteng nangyari noong Pebrero 14, 2025 nang sinadyang putulin ng mga tauhan umano ni Acting Municipal Mayor Aga Dimakuta ang koneksyon ng CCTV cameras at internet wires patungo sa mga opisina ng Treasury, Accounting, at Assessor sa munisipyo.

CSC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->