^

Probinsiya

Mister kinatay ni misis ng jungle bolo!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mister kinatay ni misis ng jungle bolo!
Tacloban City Map.

MANILA, Philippines — Pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang misis ang kanyang mister nang tangkain ng huli na pata­yin ang una, Huwebes ng gabi sa Tacloban City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si “Tino”, 67-anyos, habang nakakulong naman ang ­misis nitong si “Zelda”, 58, isang vendor.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente kamakalawa ng gabi sa mismong bahay ng mag-asawa sa Barangay 98, Camansihay, Tacloban City.

Ayon kay PCapt Jefferson Arellano, OIC Station 3 commander ng Tacloban City Police Office, nagkaroon ng away ang mag-asawa na humantong sa kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa ­kumuha ng 19-pulgdang jungle bolo  ang mister.

Tinangkang tagain ng mister ang kanyang misis, gayunman, naka­ilag ang ginang at mabilis na naagaw nito ang itak sa asawa.

Hawak nang mahigpit ang jungle bolo, dito na pinagtataga ng misis ang kanyang mister sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inaalam pa ng pulisya ang pinag-awayan ng mag-asawa.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek matapos ang krimen.

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->