^

Probinsiya

LRA official sa Zamboanga todas sa ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
LRA official sa Zamboanga todas sa ambush!
Masusing sinisiyasat ng pulisya ang ginawang pag-ambush at pagpatay sa opisyal ng Land Registration Authority (LRA)-Region 9 na si Jaybee Robert Villarin Baguinda sa Brgy. Zone 4, Zamboanga City nitong Biyernes.
John Unson

COTABATO CITY , Philippines – Isang mataas na opisyal ng gobyerno sa Zamboanga ang patay matapos na tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa mataong lugar sa Barangay Zone 4 sa Zamboanga City kahapon ng umaga.

Sa mga ulat, sinabi ni Col. Kimberly Molitas, ­acting Zamboanga City police director, ang biktima na kinilalang si Jaybee Robert Villarin ­Baguinda ng Land Regis­tration Authority sa Region 9, ay nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital dahil sa tinamong tama ng mga bala sa katawan.

Si Baguinda ay nagsisilbi umanong regional chief ng  LRA-9.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang lulan ang nasabing opisyal ng dark grey Mitsubishi Strada pick-up truck at nakatakda na sana siyang lumiko pakanan patungo sa kanyang tanggapan sa Rizal Street, Barangay Zone 4, Zamboanga City nang biglang lumutang ang isang hindi kilalang lalaki na nakasuot ng puting t-shirt at malapitan siyang pinagbabaril gamit ang isang pistola.

Nang matiyak na napuruhan ng mga bala ang biktima, agad na tumakas ang suspek lulan ng isang motorsiklo ng isang kasamang lalaki na naghihintay sa kanya sa ‘di kalayuan.

Agad namang kinondena nina Col. Molitas at Zamboanga City Mayor John Dalipe ang insidente.

Binigyan na ng direktiba ni Mayor Dalipe ang mga barangay officials sa Zone 4 na makipagtulungan sa mga imbestigador upang matukoy ang pagkakakilanlan ng killer ng 57-anyos na si Baguinda upang mapanagot sa ginawang krimen.

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with