^

Probinsiya

Magkaangkas todas sa ambush sa Maguindanao

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Magkaangkas todas sa ambush sa Maguindanao
Sa hiwalay na mga ulat ng Datu Paglas Municipal Police Station at ng Maguindanao del SuProvincial Police Office nitong Martes, agad na namatay sa mga tama ng bala ang magkaangkas sa motorsiklong sina Kamaro Guimadin Balulao at Kasan Makmod Sulayman, na patungo sana sa Lutayan, Sultan Kudarat nang sila’y ma-ambush, hindi kalayuan sa poblacion ng naturang bayan.
File photo

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang magsasakang Moro ang patay nang tambangan ng mga ‘di kilalang armadong kalalakihan habang sakay ng isang motorsiklo sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur nitong Lunes.

Sa hiwalay na mga ulat ng Datu Paglas Municipal Police Station at ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office nitong Martes, agad na namatay sa mga tama ng bala ang magkaangkas sa motorsiklong sina Kamaro Guimadin Balulao at Kasan Makmod Sulayman, na patungo sana sa Lutayan, Sultan Kudarat nang sila’y ma-ambush, hindi kalayuan sa poblacion ng naturang bayan.

Dahan-dahang tatabi na sana ang mga biktima sa gilid ng highway upang bumili ng kung ano sa isang tindahan nang walang habas na pagbabarilin ng mga salarin saka mabilis na nagsitakas.

Ayon kay Brig. Gen. Romeo Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nagtutulungan na ang mga imbestigador ng Datu Paglas Municipal Police at mga local officials sa pagkilala sa mga pumatay kina Balulao at Sulayman upang masampahan ng mga kaukulang kaso.

AMBUSH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with