^

Probinsiya

Tatay pinatay ng praning na anak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival ang isang 53-anyos na ama ng tahanan matapos na siya ay ataduhin ng saksak sa dibdib ng anak na high sa droga sa loob ng kanilang bahay sa Hacienda Bacsay, Barangay Robles, La Castellana, Negros Occidental.

Kinilala ni Police Major Rhojn Darell Nigos, hepe ng La Castellana police, ang biktima na si Rolando Mosquera Sr.

Sa ulat,kakauwi lang ng biktima mula sa pagtatanim ng puno ng saging nang salubungin ng saksak ng kutsilyo ng kanyang 21-anyos na anak ang dibdib nito.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga kamag-anak at dinala sa ospital kung saan idineklara itong patay.

Naaresto ang suspek habang nagtatago sa isang madamong lugar at narekober ang kutsilyo na ginamit sa krimen, isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P544, dalawang lighter, at isang kulay berdeng kurtina na may mga mantsa ng dugo.

Sinabi ng pulisya na inaakala ng suspek na binabalak siya ng kanyang ama na ilibing nang buhay nang siya ay nagtatanim ng mga puno ng saging.

Kagagaling lang ng Bicol sa pro­binsiya ang suspek kung saan siya ipinadala dahil sa kanyang pagkalulong sa droga.

Isinailalim sa drug test ang suspek at sasampahan ng kasong parricide at illegal drugs.

NEGROS OCCIDENTAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with