Bulkang Taal nagkaroon maliit na pagsabog – Phivolcs
MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na nagkaroon ng isang maliit na phreatic eruption o pagbuga ng usok o steam mula sa main crater ng Bulkang Taal na tumagal ng dalawang minuto.
Paliwanag ng ahensiya, ang nangyaring aktibidad ay bunsod pa rin ng nagpapatuloy na upwelling ng mainit na volcanic gas sa bulkan.
Bukod pa rito, nagkaroon din ng dalawang volcanic tremors sa bulkan na tumagal ng dalawang minuto.
Namonitor din ng Phivolcs ang aabot sa 2,256 tonelada ng sulfur dioxide at malakas na pagsingaw na umabot ng 3,000 metro ang taas.
Nananatili pa rin ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal at nagpapatuloy rin ang babala ng ahensya sa mga posibleng panganib ng bulkan.
- Latest