^

Probinsiya

Pulis-SAF lasog sa salpok ng motor

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang aktibong miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) na lulan ng motorsiklo makaraang salpukin ng isa pang motorsiklo habang bumabagtas sa kahabaan ng Gen. Aguinaldo Highway, Brgy. Panapaan 2, Bacoor City.

Hinihinalang papasok na sana sa kanyang duty ang biktima na kinilalang si Police Master Sergeant Tito Lacambra Jr., 39-anyos, residente ng Blk 19 Lot 5 Cyber Ville, Santiago, Gen. Trias City, Cavite, nang maaksidente.

Sa ulat ng pulisya, binabagtas ng biktima ang nasabing highway patungong Maynila sakay ng kaniyang motorsiklo nang salpukin ito ng kasalubong na isa ring motorsiklo na minamaneho ng isang alyas Rodolfo, residente ng Palm Grove Village, Buhay na Tubig, Imus City, Cavite at patungo umanong Imus City, Cavite.

Sa lakas ng salpukan, tumilapon ang biktima at sumadsad sa espaltadong kalsada. Nagtamo siya ng mga bali at gasgas sa katawan at matinding pinsala sa ulo.

Naitakbo pa ang naturang pulis sa St. Dominic Hospital and Medical Center subalit hindi na naisalba pa ng mga doktor.  

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resul­ting in Homicide and Damage to Property ang suspek na kasalukuyan na ngayong nakakulong.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with