Babaeng hubad, nalambat sa dagat
CAVITE, Philippines — Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang hubo’t hubad at palutang-lutang sa karagatan ng Ligtong 1 Rosario, dito sa lalawigan, kamakalawa.
Walang anumang pagkakakilanlan sa babaeng biktima na tinatayang nasa edad 30-anyos at may taas na 4 talampakan.
Sa ulat ng pulisya, alas -5:30 ng madaling araw nang matagpuan ng ilang residente ang katawan ng biktima sa tabi ng mga water lily sa shoreline ng karagatan.
Ayon sa tserman ng nasabing barangay, hindi umano residente ng kanilang lugar ang biktima at walang nakakakilala rito.
- Latest


















