^

Probinsiya

PCCCII, Chinese Embassy naghatid ng ayuda sa mga biktima ni ‘Enteng’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namahagi ng ayuda kahapon sa nasa 1,000 residente ng Brgy. Mayamot, Antipolo, Rizal ang mga opisyal ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. at Chinese Embassy sa Pilipinas.

Sa pangunguna nina PCCCII president Arian Hao at Brgy. Mayamot Chairman Rico Paulo Estanislao, nabigyan ng tig-5 kilo ng bigas at isang kahong noodles ang mga residente na lubhang nasalanta ng bagyong Enteng sa nagdaang tatlong araw.

Ayon kay Hao, tuluy-tuloy ang kanilang gagawing relief operation hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa ibang lalawigan tulad ng Naga City sa Bicol sa panahon ng kalamidad.

Nagpasalamat naman si Brgy. Chairman Estanislao sa PCCCII. Indikasyon lamang ito na hindi nagpapaapekto sa pulitika ang grupo sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Gayunman, may apela ito sa mga residente na magkaroon ng disiplina upang maiwasan ang mga pagbaha sa lugar.

Matatandaang nagbigay rin ng tulong ang grupo sa Manila at Mandaluyong City.

vuukle comment

PCCCII

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with