^

Probinsiya

Gasolinahan hinoldap: P483K kita tangay

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Natangay ang P483,000 na kita ng apat na hinihinalang mga holdaper lulan ng dalawang motorsiklo mula sa tanggapan ng isang gasoline station sa Kulambogan, Lanao del Norte na kanilang pinasok nitong umaga ng Martes.

Sa inisyal na mga pahayag nitong Martes ng Kulambogan Municipal Police Station at ng management ng RMC Fuel Station, dumating ang mga holdaper na armado ng mga pistol, at mabilis na pumasok sa tanggapan ng establisyemento saka nagdeklara ng holdap.

Napilitan ang mga empleyado ng gasolinahan na ibigay ang kanilang cash collections mula Lunes hanggang umaga ng Martes sa apat na mga holdaper na mabilis na tumakas sakay ng dalawang motorsiklo.

Sa ulat ng pulisya at himpilan ng radyo sa iba’t ibang bayan sa Lanao del Norte na sakop ng Region 10, tatlong gasoline stations na ang naholdap sa probinsya mula Enero 2024.

vuukle comment

LANAO DEL NORTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with