^

Probinsiya

12-anyos nabaril ng kaibigang 15-anyos, patay!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
12-anyos nabaril ng kaibigang 15-anyos, patay!
Sa ulat ng Cotabato City Police Office kahapon, agad na namatay sa tama ng bala ang lalaking Grade 6 pupil na si Salahudin Salik, makaraang mabaril ng binatilyong kaibigan na itinago sa pangalang “Ahmad”.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang 12-anyos na estudyante matapos masapol ng bala nang aksidenteng pumutok ang baril na nilalaro ng kanyang 15-anyos na kaibigan kamakalawa ng gabi sa tabing ilog ng Barangay Poblacion 1, dito sa lungsod.

Sa ulat ng Cotabato City Police Office kahapon, agad na namatay sa tama ng bala ang lalaking Grade 6 pupil na si Salahudin Salik, makaraang mabaril ng binatilyong kaibigan na itinago sa pangalang “Ahmad”.

Ayon sa kanilang mga kapitbahay, nasa tabing ilog sa RS Buan Area sa Barangay Poblacion 1 ang magkaibigan nang maganap ang insidente bago maghatinggabi nitong Huwebes.

May dala-dala umanong baril si Ahmad at kanila itong pinaglaruan hanggang sa biglang pumutok at aksidenteng nabaril sa tagiliran ang biktima.

Mabilis na tumakas ang binatilyong si Ahmad dala ang nasabing baril matapos mabaril ang totoy na kaibigan, ayon sa mga barangay officials at mga imbestigador na nagresponde sa lugar.

vuukle comment

AHMAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with