^

Probinsiya

Call center agent, bulagta sa tandem

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang isang call center agent habang sakay ng motorsiklo at bumabagtas sa kahabaan ng Congressional Road sa Brgy. H-2, Dasmariñas City, kamakalawa.

Patay sanhi ng mga tama ng punglo sa katawan ang biktima na kinilala sa alyas “Ryan”, 31 anyos, call center agent at residente ng Brgy. Fatima 1K Dasmariñas City.

Tumakas naman ang dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo na ‘di naplakahan at tangay ang ginamit na armas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-12:00 ng madaling araw habang sakay ang biktima ng kaniyang motorsiklo ay hinahabol umano ng mga suspek na sakay rin ng isang motorsiklo.

Pagsapit sa interrsection ng Brgy. H2, nag-menor ang biktima hinggil sa paliko ang daan, dito na nakakuha ng tiyempo ang mga suspek at pina­ulanan ng bala ang biktima bago tumakas.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktima habang inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo ng krimen.

vuukle comment

RYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with