^

Probinsiya

Suplay ng tubig sa ilang lugar sa Rizal mawawala sa August 27-28

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Manila Water Company ang mga kustomer sa bahagi ng Rizal na mag-ipon na ng tubig ngayon pa lang para may magamit sa panahon ng inaasahang water interruption sa kanilang lugar.

Sa post ng kompanya sa kanilang FB page, magaganap ang pagkawala ng suplay ng tubig sa August 27 mula alas-10 ng gabi hanggang August 28 ng alas-4 ng madaling araw kung saan apektado ang mga lugar sa Taytay, Rizal partikular sa bahagi ng Dolores Poblacion, L. Wood Street, Admiral Village, Philec Road, Naval Street, Matimtiman, Magilas, Malaya, Adhika, B. Pag-asa, A.M. De Leon at Magiliw.

Apektado rin sa water interruption ang bahagi ng Barangay San Isidro, Taytay, L. Wood Street, Javier Compound at  Jasmine Street gayundin sa bahagi ng Barangay San Luis sa Primavera Subdivision at Bermuda Heights Subdivision dahil sa gagawing line maintenance sa kahabaan ng L. Wood Street, Barangay San Isidro.

vuukle comment

MANILA WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with