Tinedyer todas sa riot sa Rizal
MANILA, Philippines — Isang teenager na lalaki ang patay nang saksakin ng kanyang kaalitan sa isang riot na sumiklab sa Antipolo City, Rizal, ayon sa pulisya kahapon.
Sa ulat ng Antipolo City Police, isang tama ng saksak ng balisong sa tagiliran ang kumitil sa buhay ng biktimang si Cedrick Eustaquio habang nakatakas naman ngunit naaresto rin ng mga awtoridad sa follow-up operation ang suspek na kinilala lang na si alyas “Renzlie”.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Sitio Imelda, kanto ng NHA Ave., sa Brgy. Dela Paz. Antipolo City, ngunit kamakalawa lamang ng hapon ito inireport sa pulisya.
Nauna rito, nagkaroon umano ng kaguluhan ang ilang kabataan sa naturang lugar, hanggang sa tinarakan ng balisong ang biktima ng suspek bago mabilis na tumakas.
Naisugod pa ang biktima sa Antipolo City District Hospital ngunit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas.
- Latest