^

Probinsiya

11 BIFF, Dawlah Islamiyah terrorists sumuko sa Maguindanao del Sur

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Labing-isang miyem­bro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figh­ters (BIFF) at Dawlah Islamiyah (DI) terrorists ang sumuko sa tropa ng militar sa lalawigan ng Maguindanao del Sur,kamakalawa.

Ayon kay Major Orlando Ayllon Jr., Acting Chief ng AFP-Westmincom, 8 sa mga sumukong lokal na terorista ay mula sa BIFF- Karialan faction habang ang iba ay mga kasapi naman ng Dawlah Islamiyah (DI) Hassan group sa ilalim ni Almoben Sebod alyas Al.

Ang mga ito ay sumurender sa Joint Task Force (JTF) Central bitbit ang kanilang mga armas at mga bala.

Kabilang naman sa isinurender ng BIFF terrorists  ay isang cal. 45 M1911 rifle, isang cal. 38 pisto,, isang cal .30 carbine rifle, isang 5.56 MM revolver pistol, isang 40 MM M203 grenade launcher, isang 40 MM Rocket Propelled Grenade (RPG)  launcher, isang cal. 30 M1 garand rifle, isang 5.56 MM machine gun, isang cal . 45 magazine , tatlong rounds ng cartridge ng cal. 45 pistol , isang round ng cartridge ng RPG at isang cal 30 garand rifle.

Ang mga nagsisukong ekstremista.ng BIFF ay iprinisinta kay Brig. Gen. Oriel Pangcog, Commander ng Army’s 601st Infantry Brigade, Sittie Janine Gamao, Peace Program Officer ng Ministry of Public Order and Safety, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM); at Roger Dionisio,  Focal Person ng Agila-Haven sa ginanap na seremonya sa 33rd Infantry Battalion Headquarters, Barangay Zapakan, Radjah Buayan, Maguindanao del Sur bandang alas-10 ng umaga.

Samantalang ang DI -Hassan terrorists ay isinuko naman ang isang cal. 30 garand rifle, dalawang piraso ng Improvised Explosive Devices (IEDs ), isang Ingram rifle na may magazine, isang Rocket Propelled Grenade na may isang bala at isang 81 MM mortar ammunition.

Iprinisinta rin ang mga sumukong Dawlah-Islamiyah kay Brig. Gen. Donald Gumiran, Commander ng Army’s 602nd Infantry Brigade, iba pang mga opisyal ng militar at Pangalungan, Maguindanao del Sur Mayor Salik Mamasabulod sa ginanap na programa sa municipal hall sa Brgy Poblacion sa Pagalungan ng lalawigan dakong alas-3 ng hapon ng nasabi ring araw.

Pinapurihan naman ni Lt. Gen. William Gonzales, Commander ng AFP-Western Min­danao Command ang matagumpay na accomplishement ng JTF Central.

“We expect more surrenders to come as our soldiers continue to do their job with utmost dedication and patrio­tism,” saad pa ng heneral.

TERRORISTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with