^

Probinsiya

P4 milyong shabu samsam sa notoryus na tulak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO, Quezon, Philippines – Aabot sa P4-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang notor­yus na tulak makaraang magsagawa ng buy-bust operation sa Barangay Arawan ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PMajor Hubert Jabrica, chief of police sa nasabing bayan, ang nadakip na si alyas “Jherome”, 25, residente ng Barangay Pury, San Antonio, Que­zon at kabilang sa talaan ng mga High Value Individuals (HIVs).

Isinagawa ang buy-bust operation laban sa suspek dakong alas-7:00 ng gabi at nakuha sa kanyang pag-iingat ang apat na malalaking plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumi­timbang ng 200 gramo na nagkakahalagan ng P4,000,000.

Nakapikit na sa municipal jail ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with