^

Probinsiya

Barangay chairman sa Bulacan itinumba sa clean-up drive

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Barangay chairman sa Bulacan itinumba sa clean-up drive
Kinilala ang biktima na si Wenceslao Bernardo, nasa hustong gulang, may-asawa, Brgy. Chairman at residente ng Capistrano st. Brgy. Marungko.
STAR/File

ANGAT, Bulacan, Philippines — Patay ang isang brgy. Captain matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagsasagawa ng clean-up drive kahapon ng umaga sa Sitio Tugatog, Brgy. Marungko ng bayang ito.

Kinilala ang biktima na si Wenceslao Bernardo, nasa hustong gulang, may-asawa, Brgy. Chairman at residente ng Capistrano st. Brgy. Marungko.

Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga nitong Agosto 3 sa Sitio Tugatog, Brgy. Marungko.

Ayon sa imbestigasyon, habang naglilinis ang biktima kasama ang kanyang mga kababaryo sa nabanggit na lugar ay may biglang sumulpot na magkaangkas lulan ng puting Yamaha Aerox.

Nabatid na bumaba ang backrider at walang kaabog-abog na dalawang beses binaril ang biktima sa likurang bahagi ng kanyang ulo.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Bustos habang isinugod naman ang biktima sa Twin Care Hospital subalit patay na ito.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with